Before May 2018 ends, gawa ulit ako ng blog, pamagatan natin to sa “YouTube”
“Uy si Nikko, YouTuber pala oh” Uy, kumita kana ba jan” “Uy, collab naman tayo plss.”
Yan ung mga linyahan na tinatanong sa akin dati HAHAHAH. Ikuwento ko muna kung saan nagsimula ang lahat.
Sumali ako sa YouTube noong April 9, 2012, oh mahigit anim na taon na iyon. Hindi pa ako pamilyar sa mga vlog dati, alam mo naman mga Grade 6 pa ata ako nun, mga PvZ at Solitaire pa nilalaro ko nun. Nang mga panahong iyan, may nadiskubre kaming magkakapatid na laro, ito ay “Scary Maze”, sa una akala mo ung larong yan ay hindi pala nakakatakot pero pag natapos mo na BOOM WTF HAHAHA. Kung di mo yan alam, iniispoil na kita dejk. Edi ayon, takot takot naman ako dati at naisipan namin na manood sa YouTube ng mga nabiktima rin ng larong ito, talaga namang nakakatawa ung mga reaksyon nila. Naisipan kong gumawa ng compilation ng reactions nito gamit ang YouTube Compiler at kinaption ko na “it’s over 80+ reactions and its so very very funny” HAHAHAHA WTF ngayon ko lang narealize na pati grammar ko katawa tawa. Kung di ka natawa edi wag. Ayon pinublish ko na at laking gulat ko nalang na umabot na ng 3 MILLION VIEWS ang videong iyon. At may biglang kumontact sa akin taga US, sabi nila ililicense nila ung video at bibigyan nila ako ng sahod. Edi payag naman ako, at ayon naclaim ko na HAHAHA malaki laki rin un 5 digits in peso i think. At simula nun..
Gumawa gawa narin ako ng iba pang mga videos. Ung mga project namin sa school at ako ung nagedit inuupload ko. At mga panahong SHS stud na ko, isang kaklase ko ang nakadiskubre sa akin na YTber ako itago natin siya sa pangalang Nicada. Putek pinagkalat nya edi ayon alam na ng buong klase HAHAHA. Andami nang nagtatanong sa akin kung paano maging vlogger, paano kumita at nagsimula narin silang i subscribe ako. At iyon ang naging motibasyon ko na ipagpatuloy ang pagiging vlogger at gumawa na ng vid na sariling kuha ko na at may saysay na HAHAHA. Salamat sayo Nicada, akala ko bubullyhin ako ng mga kaklase natin instead mas lalo pa pala nila akong makikilala nang dahil sayo.
Nagvlog na ako sa concert ni AG, unity dance, YTFF at iba pa. Sa ngayon hindi pa ako nakakapag upload ng vlogs kasi sobrang tamad ako this summer at gusto ko lang kain tulog hahahaha. Pero baka simulan ko na ulit mag edit sa mga susunod na araw.
Sa ngayon, naka 3.1K subscribers na ako and still counting. Sana maabot ko ung silver button soon. Ang motibasyon ko sa sarili ko ay “Just be yourself” at “Wag kang mahihiyang magvlog kapag nasa maraming tao, hindi ka naman nila kilala e so wala silang pake sayo.” Ayun lang, sana naintindihan nyo at stay tuned sa susunod kong blogs.
Nga pala, pasubscribe ako HEHE —> NIKKO ANGELO QUILO YT
WAKAS
Comments
Post a Comment